achieve.org.ph
Home
Who we are
What We Do
Resources
News Bits
Community Voices
achieve.org.ph
Home
Who we are
What We Do
Resources
News Bits
Community Voices
More
  • Home
  • Who we are
  • What We Do
  • Resources
  • News Bits
  • Community Voices
  • Sign In
  • Create Account

  • Bookings
  • My Account
  • Signed in as:

  • filler@godaddy.com


  • Bookings
  • My Account
  • Sign out

Signed in as:

filler@godaddy.com

  • Home
  • Who we are
  • What We Do
  • Resources
  • News Bits
  • Community Voices

Account


  • Bookings
  • My Account
  • Sign out


  • Sign In
  • Bookings
  • My Account

Community Voices: The COPPER Coalition

COPPER Coalition on Pandemic Preparedness and Community Engagement

Ako po si Maria Theresa Albior, Pangulo ng KATRIHODA at kasapi sa COPPER Coalition o Community Engagement on Pandemic Prevention Preparedness and Response, isang samahang binubuo ng mga kinatawan mula sa iba- ibang sektor tulad ng public transport workers (TODA), kababaihan, kabataan, indigenous people at migrant workers, Philippine Alliance to Stop TB, at Network Plus. Isang malaking karangalan po para sa akin na nakasama kayo sa mahalagang pag-uusap na ito tungkol sa  usaping Tuberculosis, kasama na ang patungkol sa Pandemic Prevention, Preparedness, and Response (PPPR).

Noong panahon ng pandemya, isa ang sektor ng transportasyon sa pinakaapektado. Naparalisa ang lahat ng biyahe—walang pasahero, sarado ang mga negosyo, at halos walang kita ang mga drayber ng traysikel. Ngunit sa kabila nito, nakita namin kung gaano kahalaga ang aming papel sa komunidad.

Sa kabila ng matinding pagsubok, natuto kaming sumunod sa mga health protocols at nakibahagi sa relief efforts. Sinikap naming ipagpatuloy ang aming serbisyo—hindi lang sa pamamagitan ng paghahatid ng pasahero kundi pati na rin sa pagdadala ng mahahalagang pangangailangan sa mga pamilya at frontliners.


Sa tulong ng COPPER CE Project, naging malinaw sa amin ang mahalagang papel ng TODA—hindi lang bilang tagahatid ng tao, kundi bilang tagapaghatid ng tulong, impormasyon, at suporta sa panahon ng krisis. Natutunan namin kung paano maging mas epektibo sa pagtugon sa pandemya.


Ang ating pinagdaanang pandemya ang na nagsiwalat na walang sektor ang ligtas kung may bahagi ng Lipunan na napapabayaan. Ang kahandaan sa susunod na krisis ay hindi lamang tungkulin ng gobyerno, hindi lamang obligasyon ng mga eksperto—ito ay pananagutan nating lahat.


Kung sakaling magkaroon muli ng pandemya, ang COPPER Coalition ay handang gampanan ang aming tungkulin sa  pamamagitan ng maingat at ligtas na pagdadala ng pagkain at supplies sa mga nangangailangan, pagsundo at paghatid ng mga pasyente habang sumusunod sa mahigpit na infection control measures, at pagsuporta sa ating mga health workers upang mas mapabilis at mapanatiling ligtas ang kanilang serbisyo.


Ngunit hindi lamang ang COPPER Coalition ang may mahalagang papel sa kahandaan sa pandemya. Lahat tayo, mula sa iba’t ibang sektor, ay may gampanin sa pagpapatibay ng ating sistemang pangkalusugan.


Dahil dito, hinihikayat ng COPPER Coalition ang bawat isa—mga TODA, health workers, kabataan, kababaihan, manggagawa, at lahat ng sektor—na maging aktibong bahagi ng Pandemic Prevention, Preparedness, and Response (PPPR).


Ipaglaban natin ang mas matibay na sistemang pangkalusugan. Siguruhing may tamang impormasyon at suporta ang bawat komunidad. Palakasin ang ating kolektibong pagkilos upang masigurong handa tayo sa anumang banta sa hinaharap.


Ang ating kaligtasan ay nakasalalay sa ating pagkakaisa. Sa sama-samang pagkilos, mas matatag nating mahaharap ang anumang pagsubok—hindi lang bilang indibidwal, kundi bilang isang nagkakaisang sambayanan.


Higit sa lahat, nais kong ipaabot ang taos-pusong pasasalamat ng COPPER Coalition sa ACHIEVE sa pamumuno ni Ms. Mara Quesada, na walang sawang nagtuturo at nagpapalawak ng aming kaalaman upang maging mas handa ang ating mga komunidad sa harap ng anumanag pandemyang hindi malayong kaharapin sanhi ng mga pagbabago sa klima at iba pang pangyayari sa ating kapaligiran.


Maraming salamat po, at mabuhay tayong lahat!

achieve.org.ph

(02) 8361-7980

Copyright © 2025 achieve.org.ph - All Rights Reserved.

Powered by

This website uses cookies.

We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.

Accept